07 February 2010

overwhelmed

So kahapon, pumunta kami nina Marc, Ging, Kor, and Chard sa Cottolengo Filipino (St. Luigi Orione) sa Montalban, Rizal. We were armed with 'Sndwich Cke' (and yes, ganyan talaga yung spelling sa plastic - nagtitipid ba ng ink ang Regent?), 2 bilao ng bihon at Joozy Fruit Juice. At syempre, ang camera at tripod ni Boss (Marc).

Sa loob ng kotse ni Kor, nagemo si Ging sa backseat habang ang iba sa amin ay nakinig nung isang program sa RX na tungkol sa Epic Fail Love Stories. And just as Kor and I were discussing na sa tingin namin ay unfair yung pagpili nung DJ sa pinakaepic fail na love story among those na nakwento on-air that PM, nasa gate na kami ng Cottolengo. We didn't get lost!

Pagdating pa lang namin sa Cottolengo, may nakasalubong na agad kaming mga bata, most of them familiar faces. (Sabi nga ni Ging: 'Naaalala ko siya!) Ginreet na kami ni Father Flavio, at dumiretso na kami sa refectory. Sa loob ng shiny, high-end kitchen ng Cottolengo, naghanda kami ng 35 plates of pancit bihon - bawat isa may 'cheesecake' - kahit actually, 42 yung kabuuang bilang ng mga bata. May 3 kasing allergic sa manok (at diba may manok ang bihon?) at yung remaining 4 hindi nakakakain ng solids.

Pagkatapos nun, tinawag namin ang mga bata sa refectory para kumain na ang lahat. And even though I'd been to Cottolengo before, I found myself at a loss on what to do next. At sa tingin ko, hindi ako nag-iisa sa pakiramdam kong iyon. Naturally, Chard and Boss, who were new to the Cottolengo experience, were a bit overwhelmed. (Sabi nga ni Chard nung pauwi na kami, "Nung una ko pa lang kita sa kanila, naoverwhelm na ako.) Pero kahit kami nina Kor at Ging, naoverwhelm din. Si Ging na nagpakain ng ilang bata at naghugas ng mga pinggan pagkatapos; Si Kor na nagpakain ng 3 makukulit na bata at the same time. At least, si Mark, na sinusubuan ko, mabait naman.

Pagkatapos ng lunch (na may background music na Nobody ng Wondergirls, with matching dancing pa ng kids) may dumating na bagong 'delegation' na hindi ICTUSians, so nagsplit kaming lima. I was (literally) dragged by Jessie (Jako, Dora, remember him? Si 'lika, lika, lika' na nagsuot ng sapatos na hindi sa kanya?) sa back area ng Cottolengo, which, I later found out, was out of bounds. Si Boss, nakipagBBall sa 2 kids na ginawa siyang 'puno'. Si Ging at Chard, nagstroll with the kids. At si Kor, nasa refectory pa rin, pinapakain yung 2 niyang wards.

Long story short, it was an overwhelming afternoon. Maraming emotions at physical sensations ang nagcollide nung hapong iyon. On one hand, pagod ka dahil kinalmot at pinatakbo ka ng mga maliliit na bata, at uuwi ka na may 'heavy feeling in your heart'. On the other hand, alam mong may nagawa ka, kahit maliit lang, para pasayahin sila. So, basically, mixed emotions. Overwhelming.

Sama ka next time para mafeel mo rin!

-sandybeaple

No comments: