05 February 2010

ito na ang sikreto

Single

Satisfied
Desperate
Taken
Dating...but still looking
It's complicated
MU.. as in Malapit Umamin
Straight
Ghey
Best of both worlds
Not saying

Alin ka man dito...

Sa darating na linggo ng Feb 8-12, may magmamahal sayo!


Ika nga nila, love is sweeter the second time around.

Sige nga, tingnan nga natin...



SECRET VALENTINE: The Repeat


Tulad ng nakaraang taon, parehas lang halos ang mechanics, kaso may karagdagang pakulo! Basahing maigi. Madali lang naman to:

1. Lahat tayo ay assigned bilang "secret valentine" ng isang kapwa nating ICTUSian (mems at apps). Kayo ay makakatanggap ng mensahe sa Facebook (o kung walang FB account ay sa text) galing kay Jill o Nikka upang ipaalam sa inyo kung sino ang secret valentine niyo (Sabado at Linggo niyo matatanggap.Ipagbigay alam kung walang natanggap).

2. Dahil week ng Valentines next week (Feb 8-12), let's spread the love among ICTUSians! Ikaw ay magbibigay ng gifts/tokens sa iyong "secret valentine" SECRETLY--hence, the name, "secret valentine". Para may thrill sa buhay diba?

Depende sayo kung ilang regalo o ilang beses mo siya bibigyan ng regalo (mas maganda kung everyday may regalo ). Kung wholesome man ito o R-18, ikaw bahala, pramis. Basta tandaan mo na dapat ay ma-feel niya ang pagmamahal sa linggong iyan--eros, agape o filial man ito. Nasa diskarte mo na rin kung paano mo gagawing sikreto. Pwede mo siya itext sa isang anonymous number at sabihing may iniwan kang gift sa lagoon nang hatinggabi. O magset ka ng fireworks tapos nakalagay in red and blue sparks "Feel the love!" Pwede mo siyang pasisirin sa kalaliman ng UP pool ng gabi kung saan nakasulat sa tiles doon in neon, "Apoy ka ba? Kasi alabyu" Or pwede ring simple pero from the bottom of your heart.

3. Importante ito! Sa Biyernes, February 12, ipapaalam ninyo ang katauhan ninyo sa inyong secret valentine. Mas maganda kung creative manner ito maisasagawa. Isipin niyo, tipong magpropropose kayo! Bilang pasasalamat ay bibigyan kayo ng token of appreciation ng inyong secret valentine.

4. PARA MAIBA NAMAN SA GINAWA NATIN LAST YEAR, kailangan ay magdate kayo ng secret valentine ninyo! KAILANGAN! Para naman mas maipadama niyo pa ang pagmamahal niyo diba, since some scholars say that communication is 80% nonverbal! Hindi kailangan magdate kayo sa araw na mareveal niyo ang inyong identity, basta DAPAT AY MAGANAP ANG DATE NINYO BAGO MATAPOS ANG SCHOOL YEAR.

TANDAAN:
Lahat tayo ay may secret valentine. Lahat rin tayo ay secret valentine. Kaya maghahanda ng token of appreciation ang lahat.

Magtipid because you'll have not one... but two dates! One with the person you have given your gifts to and another with the one who has given gifts to you.

IT IS NOT THE CASE THAT Person A is the secret valentine of Person B and Person B is the secret valentine of Person A. So kung sino ang bibigyan mo ng regalo, malamang hindi siya yung nagbibigay ng regalo sayo. Keyowks?

Pairs were randomly selected. PRAMIS.

Pairs are composed of either girl-girl or boy-girl. YIKEEE

WAG MAGING MIA O KJ! ACTIVE MAN O INACTIVE, SALI NA!
Simpleng aktibidad lang naman ito upang mapaalam mo sa iyong kapwa ICTUSian that you care for him/her. Plus it's fun conceptualizing ideas and making them happen!

Sa mga may katanungan at kung hindi mo pa nalalaman kung sino ang secret valentine mo by Sunday, maaaring magreply dito o itext si Nikka Tatiana sa 09274934337.

2 comments:

psixteen said...

excited meeeeeeeeeeeeee! :D
may date pa! at dalawa! :))

sandybeaple said...

ako rin! excited na ako!
ahahaha!